Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Pag may Istorbo, Nako-kompromiso ang Anti-Drug Operations’ – Leni, Sumagot na tungkol sa Pagsama sa Anti-Drug Operations!

“Kasi iyong sa akin, kapag mayroong mga istorbo, lalong nako-compromise iyong operasyon,”

Ganito ang naging tugon ni Vice President Leni Robredo sa imbitasyon ni Philippine Drug Enforcement Agecny (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino na sumama siya sa mga anti-djrug operation ng ahensiya upang matuto at malaman kung paano ginagawa ng mga alagad ng batas ang kampanya kontra-droga.

“Maybe ma’m, I could ask you to join us in one of the operations. I’ll also be there para from the planning stage until the conduct of the operations… at least ma-feel mo kung paano talaga ang ginagawa ng mga law enforcers natin,” imbitasyon ni PDEA Chief Aquino.

Kahit na ganun pa man ay payag naman daw siyang sumama sa mga operatiba ng PDEA.

“Wala tayong inuurungan na challege. Pero ang mahalaga, ano ba ang magiging resulta ng operasyon. Hindi naman (mahalaga) ‘yun kung sino ang nandoon. Pero kung yayayain ako, pupunta ako, pero ang pinakatanong lang: Hindi ba ako makakaistorbo, ‘di ba? “ sabi ni vice president Leni Robredo.

Nagpahayag na rin ng kahandaan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas sa pagsama kay VIce President Robredo sa mga operasyon kontra-droga.

“Bakit hindi? Kung available siya (na sumama sa anti-drug operations), we will. But of course, she is the vice president, importante ang security niya, “ pahayag ni NCRPO Chief PBGen. Sinas.

Ang pagiging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay inalok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vice president dahil sa patuloy na pagbatikos ni Robredo sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Magugunita na sa isang panayam ni Vice President Robredo sa foreign news aganecy na Reuters, sinabi ni Robredo na dapat nang itigil ang giyera kontra-droga ng administrasyon dahil palpak naman daw ito.

“We ask ourselves, ‘why is this still happening?’. The president has already made very serious threats to drug syndicates, to drug lords … and yet it’s still very prevalent, so obviously, it’s not working… The Life of our people are in line. And the… the dignity of our country is in line. But my first call is for our government to take care of the mess that we’re in and NOT TO CONTINUE with what we have started which obviously are not working,” ani Robredo. sa Reuters.

Source: Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén