Local News

Panoorin: Pagkain ng Paniki sa China, Maaring Pinagmulan ng Coronavirus!

Base sa ulat ng mirror.co.uk, maaari daw pinagmulan ng bagong uri ng coronavirus ang pagkain ng paniki.

Naging usap-usapan ngayong ang bagong coronavirus at ito ay pinaniniwalaang nanggaling pagkain ng mga exotic animals.

Ayon sa ilang ulat, nagmula ang sakit sa syudad ng Wuhan sa China kung saan may lugar na nagbebenta ng mga exotic foods.

Pumalo na raw sa 17 na katao ang nasawi dahil bagong coronavirus. Pinatigil na ng Wuhan Local Government ang mga operasyon ng kanilang transport system at pinahinto na rin ang outgoing flights sa kanilang lungsod.

Base naman sa artikulo ng Inquirer, may isang pag-aaral umano ang Science China Life Sciences kung saan nakita ang koneksyon ng coronavirus sa mga paniki.

“Bats being the native host of the Wuhan CoV (coronavirus) would be the logical and convenient reasoning, though it remains likely there was intermediate host(s) in the transmission cascade from bats to humans,” sabi sa pag-aaral.

Isa din sa posibleng hayop na pinanggalingan ng bagong uri ng coronavirus ay ang mga ahas.

“To search for (a) potential virus reservoir, we have carried out a comprehensive sequence analysis and comparison. Results from our analysis suggest that snake is the most probable wildlife animal reservoir,” dagdag pa ng Science China Life Sciences.

Nilinaw naman ng mga nagsaliksik na kinakailangan pa ng karagdagang “validation” ang kanilang naging konkulusyon.

Ang journal ng Science China Life Sciences ay inis-sponsoran ng Beijing’s Chinese Academy of Sciences.

May kumakalat naman ngayon na video kung saan makikita ang paniki na nakalublob sa isang sabaw na inihahain sa isang restaurant.

Source: Mirror | Inquirer | South China Morning Post

Leave a Reply

Theme by Anders Norén