Local News

Panoorin: Pambabastos at Pagbabanta ng Ex-PBB Housemate sa Pulis, Sapul sa Video!

Sapul sa video ang pagwawala ni Karlos Lorenzo Gutierrez, 22-anyos, sa presinto ng pulis.

Sa video, maririnig si Gutierrez na minumura-mura ang pulis at binabanggit pa ang pangalan ng dating house speaker na si Sonny Belmonte.

Base sa mga naunang ulat, inaresto si Gutierrez nitong madaling araw ng Sabado sa Karrivin Plaza sa Pasong Tamo Extension sa Barangay Magallanes, Makati City dahil sa pagkikipag-away.

At nang arestuhin ito ng mga kapulisan ay pinagmumumura niya ang mga alagad ng batas.

Nagtangka pa raw ang mga pulis na pakalmahin ang si Gutierrez pero nagbanta pa ang aktor na ipatatanggal niya sa trabaho ang mga pulis.

Si Gutierrez ay naging kalahok ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Panoorin ang kabuuang ulat patungkol sa nangyaring pag-aamok ni Gutierrez.

Ang ginawang pagwawala ni Gutierrez sa presinto ay hindi pinalagpas ng mga netizens. Ito po ang reaksyon ng ilan sa ating mga kababayan.

“Maximum tolerance pa rin pina iral mo kabaro salute. Sa panahon ngayon kung pinatulan ng pulis yan tyak si pulis na naman lalabas na masama. Idaan na lang sa legal na pamamaraan sampahan ng maraming kaso yan bahala na kapwa nya inmate ang bumalasa doon nya labas tapang nya sa loob,” sabi ni F. Ortiz.

“Sa pulis nga di nagalang pano pa kaya sa simpleng mamamayan lang yong ganyan tao dpat isama.nyo na dn sa pag tumba. katagalan salot na din s lipunan marami na mapupurwesyo… It’s only based on my observation/video,” sabi ni J. Scaros.

“Nanggigigil ako sayo *nimal ka! Hindi ka pa nga artista, ang lakas na ng loob mong magtapang-tapangan yupak ka! Akala mo kung sino ka nang nakapasok sa bahay ni kuya. Anong tingin mo sa sarili mo? Action star ka na? Himas rehas ka ngayon abnormal ka. Tapos ka ngayon jan sa oblo hahaha! Nakoooo! Gusto mong sumikat ahh. Haha pasalamat ka’t hindi ka nanlaban. May kalalagyan yang tapang mo kung nagkataon,” sabi ni A. Motus.

Source: Mav Gonzales | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén