Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Magandang Dilag, Binosohan ng Manyakis sa Female Fitting Room! Sapul sa CCTV!

Isang kababayan natin ang humihingi ng tulong ngayon sa social media para mahuli ang lalaking namboso sa kanya habang siya ay nasa loob ng fitting room ng establisimiyento sa isang mall sa Maynila.

Sa post ni Ellnea Nica, ibinahagi niya ang closed-circuit television (CCTV) footage ng establisimiyento kung saan siya sumusubok ng swimwear. Ayon kay Nica, nangyari daw ang pamboboso nito lang ika-30 ng Oktubre, mga bandang ala-6 ng hapon.

Makikita sa CCTV footage ang pag-aligid ng kawatan sa fitting room kung saan naruroon si Nica. Kalaunan ay pasimple itong yumuko para kunan si Nica sa ilalim na bahagi ng pintuan ng fitting room area.

Umani na ng libo-libong reaksyon ang social media post ni Nica. At habang isinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 5,000 ang nagshare ng post.

Narito po ang kabuuan ng kanyang salaysay.

“Baka may nakaka kilala dito sa lalaking to.
Kung sino man po ang nakaka kilala dito please po ipag bigay alam po sakin dahil navideohan/nakuhanan niya ako ng naka hubad ng walang any top dahil ang aking mga sinusukat ay swimwear dito sa isang shop dito sa robinson place manila. Nangyari ngayong oct.30,2019 around 6:30 pm.

Naka dalawang fit nako ng swimsuit ng yuyuko ako nakitang kong may phone nakatapat sakin ang camera at sinipa ko to palabas sa takot at gulat sumigaw ako bastos ka!

Hindi ko nahabol dahil nga wala akong any top binuksan ko lang ang pinto at nakitang patakbo siya palabas ng shop.

Kuya sobrang trauma yun binigay mo sakin. Ganito pala yun pakiramdam. Nakakatakot na nakaka ngatog ng mga laman.
Ang lakas ng loob mo gawin sa isang mall knowing na madaming cctv nakapaligid. Pano nalang kung hindi sa mall baka mas malala pa nagawa mo.

Tulungan niyo ko ipakalat ang pag mumuka nitong lalaki na to. Baka may iba pang mabiktima yan.” kwento ni Nica.

Source: Ellnea Nica

Leave a Reply

Theme by Anders Norén