Local News

Panoorin: Pamilya ni Ex-Mayor Sanchez, Humagulgol at Nagmakaawa kay DU30!

Sa kanilang pagharap sa media, naging emosyonal ang pamilya ni former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez at hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag harangin ang paglaya ng kanilang haligi ng tahanan.

“Nakikiusap kami kay Presidente, tulungan niyo po ang pamilya namin na mahanap po ang buong katotohanan sa kasong ito. Wala po talagang kasalanan ang asawa ko. Maawa na po kayo Mr. President,” sabi ni

Nakikiusap din si Elvie sa mga kaanak ng mga biktima na buksan ang mga isipan ng mga ito dahil pare-parehas daw silang naging biktima.

“Sabi niya, napanood ko, bumalik daw ang bangungot na nangyari noong 1993 sa kanila (kaanak ng biktima). Sobrang bangunguot din ang nangyari sa amin dahil ang asawa ko hanggang 26 years ay nagdusa siya kahit wala siyang kasalanan. Lumaki ang anak na lahat ng okasyon ay hindi siya nakasama,” dagdag pa ni Elvie.

Nakikiusap din si Elvie sa mga kaanak ng mga biktima na buksan ang mga isipan ng mga ito dahil pare-parehas daw silang naging biktima.

Magugunita na sinabi ng MalacaƱang na hindi pabor si Presidente Rodrigo Roa Duterte na palayain ang convicted rape-slay suspect na si Sanchez.

Ayon naman sa Department of Justice (DOJ), hindi kuwalipikado si Sanchez sa batas na nagbibigay ng good conduct time allowance dahil sa hindi daw nito sakop ang mga convicted sa heinous crime. Napaulat din na lumabag sa patakaran sa loob ng bilangguan si Sanchez.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagmamakaawa ng mga kapamilya ni Sanchez.

“Tumigil kau mrs sanchez mas masakit ang sinapit ng mga pinatay ng asawa mo.kysa nararamdaman mo ngaun.asawa mo buhay pa..ang estudyante patay na khit kylan di n nla myakap o mkita pa.kau pede nyo dalawin ang inyong pinakamamahal n sanchez…karumaldumal po ang ginawa ng asaw mo.wag kna mag drama jan.hayaan na mbulok un sa kulongan…wag ka mag bulagbulagan sa mga ginawang karumaldumal ng asawa mo….,” sabi ni A. Vicente.

“Kapal ng mukha. Hindi nga yan nagdusa sa kulungan dahil sa special treatment. Kawawa kayo kasi 26 years niyo di nakasama yang kriminal na yan? Isipin niyo kung gaano pa yung nararamadaman ng pamilya ng mga taong pinatay at binaboy ng hayop na yan. Mas nakakaawa yun.,” sabi ni R. Razon.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén