Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Presidential Spokesperson, Kakasuhan ng Libel ang Inquirer at Rappler!

Hindi na nakapagtimpi ang tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte at bibigyan niya na ng leksyon ang mga mamamahayag ng Rappler at Inquirer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maghahain daw siya na kasong libelo sa dalawang media outfits dahil sa malisyosong ulat laban sa kanya kaugnay referral letter niya sa Parole Board tungkol sa clemency ni Former Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Kani-kanina lang ay naglabas ng ulat ang Rappler at Inquirer na inirekomenda daw ni Panelo ang executive clemency para kay Sanchez sa parole board.

Nilinaw ni Panelo na hindi niya inirekomenda ang executive clemency bagkus ay pawang ini-refer niya lang daw ito sa parole board.

“In the first place the letter was not even in referrence to Republic Act no 10592. It refers to their (Sanchez Family) applying for clemency and nothing to do with present controversy (GCTA Law). I think it is about time that people like you (journalist)… because me too I was a broadcast journalist. I never wrote article that cast aspersion and impute any crime to any person. It’s about time we put a stop to this. We should write accurately. The letter expressly says that I’m just referring the letter. And when they said it was denied, I said, ‘Thank you for your prompt response and nothing more’,” sabi ni Panelo.

Paliwanag pa ni Panelo, marami daw siyang natatanggap na liham at wala na raw siyang panahon para isa-isahin ang mga ito. Ipinuubaya niya na raw sa kanyang staff/abogado ang pag-responde sa liham. Ipinunto rin ni Panelo na polisiya din ni Pangulong Duterte na sumagot sa mga sulat.

“If you will go to my office, you will see so many letters piled-up. I have no time reading everything. When I read about a request for this and that, I just refer it immediately to the lawyers,” sabi ni Panelo.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén