Local News

Panoorin ‘Papasukin nila ang Gobyerno para Pabagsakin ang Gobyerno’ – Ex-Leftist Students

“Ginamit kami,”

Ganito nag naibulalas ng isang dating miyembro ng leftist group na League of Filipino Student na si alyas “Allen”.

Sa kanyang pagtestigo sa pagdinig sa senado, ibinunyag ni Allen ang plano at taktikang ng mga makakaliwa upang dahan-dahan na pabagsakin ang gobyerno.

“Taong 2016 po, noong unang pagkapanalo ni Congresswoman Sarah Elago, isa po ako sa mga kabataan na nangampanya sa Kabataan Partylist. Bakit? Kasi po 2014 na-recruit ako hanggang 2016. Ang ginawa sa aming mga LFS, Anakbayan at Kabataang Makabayan, binasahan kami ng pag-aaral tungkol sa revolutionary dual tactics. Hindi lang kailangan ang armadong pakikibaka ang palakasin namin kundi kailangan din namin na pasukin ang gobyerno para pabagsakin ang gobyerno. Ang ibig sabihin kailangan namin makapagpanalo ng partylist at senador. Iyon po ang magsisilbing susi namin para mapabagsak ang gobyerno,” sabi ni Allen.

Ang mga sinabi ni Allen ay sinugunadahan ni Agnes Reano, isa din former leftist student rebel at political officer dati sa leftist group.

“Kumpirmado (na gustong pabagsakin ng mga makakaliwa ang gobyerno). Ang mga kaprenteng organinasyon na nag-recruit sa amin, ang intensyon ng lahat na iyan ay pabagsakin ang ito (gobyerno). Kasama po ang partylist. Kaya nila pinasok ang political arena para magkaroon sila ng legal face… ,” paliwanag ni Reano.

“We want to destroy the government but this is the same government that is helping us,” dagdag pa ni Reano.

Ito po ang naging reaksyon ng ilang kababyan natin sa mga isiniwalat ng mga datign rebeldeng estudyante.

“Yon ang problema sa mga makaliwang partylist pinasusweldo ng gobyerno o ng taong bayan tapos yong nagpapasweldo sa kanila ang gusto nilang pabagsakin. Ano na bang nangyayari sa bansa natin di ba kayang linisin ang salot sa lipunan,” sabi ni R. Gonzales.

“Mga ulopong na pasahod pah Ng mamamayaan at bibictimahin din ang mga mamamayaan na ang hangad mapabuti Ang buhay ng mga anak na ngaun ginagamit para crain ang estado at crain Ang buhay Ng mga kabataan na marerecruite nila malinaw Ang kawalanghiyaan Ng mga ulopong sa bansa na makabayan kunu,” sabi ni N. Bolinao.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén