Local News

Panoorin: ‘Parang may Utang na Loob sayo ang Pangulo’ Malacañang, Niresbakan ang Hamon ni Leni!

“Parang lumalabas may utang na loob si Presidente, ‘wag namang ganyan,”

Pinalagan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang naging banat ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Magugunita na hinamon ni Robredo si Pangulong Duterte na sisantihin na lang siya matapos ang pahayag ng Pangulo na wala itong tiwala kay Robredo.

“Diretso naman akong kausap. Kung ayaw niya na ako rito, in the first place, bakit ako in-appoint? Kung ayaw niya na, kung nagkamali siya sa pag-appoint sa akin at gusto niyang bawiin, sabihin lang. Kasi ako, madali akong kausap. Pro habang mayroon ine-expect sa akin na trabaho, gagawin ko iyon,” boladas ni Robredo.

“It may not be civil nor ethical for VP Leni to taunt or dare the President in demanding the latter to tell her that he does not want her for the job she was appointed to or that he wants her to resign from her current post. Such taunting and daring only make it appear that PRRD owes her for appointing her as anti-illegal drug czar… If she is smarting from the remarks of PRRD of not trusting her to have access to classified information, she has only herself to blame,” buwelta naman ni Panelo.

Resbak pa ni Panelo, dapat daw ay humingi ng pagkakataon si Robredo na maka-usap si Pangulong Duterte para maging klaro kung ano ba ang pwede nitong gawin bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD).

“Without first inquiring as to the scope of her authority, which she could have easily done by requesting an audience with the President, she instead went full steam in consulting or inviting foreign institutions and personalities, some of whom have already prejudged the war on drugs as a violation of human rights and crime against humanity,” paliwanag pa ni Panelo.

Source: News5 | Office of the Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén