Local News

Panoorin: Pari, Humataw at Sumayaw ng “Tala” sa Ispirituwal na Okasyon

Nagpakita ng kanyang dance move ang isang pari sa Ispirituwal na Okasyon. Todo indak ang alagad ng diyos nang patugtugin na ang kantang “Tala” ni Singer/Dancer Sarah Geronimo.

Makikita sa likuran ng pari ang ilang tauhan ng simbahan na naka-abito. Mayroon din lamesa sa likuran niya.

Hindi pa tiyak kung saan kinunan ang video at sino ang naturang pari.

Ang video ay ibinahagi ng Facebook page na BICOLANews. Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa higit 5,900 ang nag-share ng footage at libo-libo na rin ang nagkomento at nag-react sa ginawa ng pari.

May ilang kababayan tayo na hindi nagustuhan ang ginawa ng pari.

“Tao lang ang pari pero sana naman padre hinubad mo muna ang kasuotan mo bilang pag galang sa mga mananampalataya at sa selebrasyon ng banal na eukaristiya. May mga tamang panahon, okasyon at lugar sa mga bagaybagay na ginagawa natin,” sabi ni G. Andres.

“It could be blasphemy correct me if wrong, considering that he celebrated the holy eucharist, for Godsake its supposedly solemm mass,” sabi ni J. Paradela.

Ang ilang netizens naman ay wlang nakitangmali sa naging pag-indak ni father.

“Walang mali sa ginawa ni father. Lawakan din ang isip bago mgkomento. Mdalas nakkita lang e un kakaiba or di karaniwan pero un kabuuan di na napapansin. Binigyan n agad ng judgementšŸ™„. Hay mga makikitid lang,” sabi ni D. Vie.

“Walang masama sa pagsayaw gift kase yan eh to entertain,, ang masama ay gumagaea ka ng immoral at kasamaan,,, ke pari o madre brothers or katekista tao sila at nakikisalamuha sa tao kung ang pagsayaw nya ay para maging alive ang mga mananampalataya at silay maaliw ano masama doon? sorry po opinion lang,,, nasa modern world na tayo,” sabi ni T. Bernardino.

Ang kantang Tala ay inilabas noong 2016 pero ngayon lang ito sumikat ng lubusan nang gumawa ng dance cover ang ilang netizens.

Source: Bicolanews

Leave a Reply

Theme by Anders Norén