Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Pasalamatan niyo Ako, Inutusan ko ang Lindol na Tumigil” – Pastor Quiboloy

Pinagpepiyestahan ngayon sa social media ang pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy. Ayon sa Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ, siya umano ang nagpahinto sa lindol. Sa kanyang programa, ikinuwento niya kung paano niya raw pinitigil ang kalamidad sa pamamagitan ng kanyang salita.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop,” sabi ni Pastor Quiboloy.

Ang pahayag niya na ito ay umani ng palakpakan sa kanyang mga audience.

Banat pa ni Quiboloy, dapat daw magpasalamat sa kanya ang mga tao kundi daw dahil sa kanya ay napahamak na ang mga ito.

“Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, maraming kayong magigiba at mamamatay kayo,” dagdag pa ni Pastor Quiboloy.

Ang video clip ng pahayag ni Quiboloy ay in-upload sa Facebook page na Djranzshow. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umani na ng libo-libong reaksyon ang sinabi ng Pastor. Naibahagi na rin ang video clip ng higit sa 40,000 beses. Umabot na rin sa lagpas 20,000 ang nagkomento sa video.

Ilan pa sa mga tumatak na linya ni Quiboloy ay ang sinabi nito na siya ang may-ari ng sanlibutan at tinalo na raw niya si Lucifer.

“Takot ako makipag-debate? Hindi nga ako natakot kay Lucifer, sa inyo pa? Bakit ko kayo dedebatehin, ako na nga katotohanan. Ako ang daan at ang buhay. Pag hindi kayo dumaan sa akin, hindi kayo mapupunta sa langit. Paano niyo ako dedebatihin niyan? I am the way. Pag hindi kayo dumaan sa akin, hindi kayo mapupunta sa langit. Kahit ano pang gawin niyong pagtatampisaw diyan. Ako ang may-ari ng kaluluwa niyo. Ako ang may-ari ng sanlibutan niyo ngayon. Kayo ang sumuko sa akin sapagkat panalo na ako sa tatay ninyo na si Lucifer na siyang may-ari ng kaluluwa ninyo. Kaya pumunta kayo sa akin at sumuko,” sabi ni Quiboloy.

Source: Djranzshow

Leave a Reply

Theme by Anders Norén