Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Pipindutin ko ang Vibrator ng Sanlibutan! Guguho kayo!” – Pastor Quiboloy

Nitong nagdaang araw lang ay ni-ulat ng ilang mainstream media ang banat ni Kingdom of Jesus Christ Executive Pastor Apollo Quiboloy na napahinto niya ang lindol sa pamamagitan ng kanyang kautusan.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop,” kwento ni Pastor Quiboloy.

Kamakailan lang pala ay mayroon ding banat si Pastor Quiboloy na siguradong tatatak sa inyong kaisipan. Sa isa niyang programa, nagbanta ito na pipindutin niya ang vibrator ng sanlibutan at may guguho daw.

“Kaya mag-ingat kayo. Huwag niyong galitin ang anak. Baka totohanin ko ang sinasabi niyong, ‘pindutin ang vibrator ng sanlibutan’. Guguho kayo riyan. Kaya mag-ingat kayo kasi alam ng Ama sa langit kung ano ang nangyayari dito sa lupa. Huwag niyong galitin ang anak ha. Makinig kayo,” banat ni Quiboloy

Bago niyan, binanatan ni Pastor Quiboloy ang mga miyembro ng KAPA Ministry.

“Alam mo Nori, lumindol kahapon. Sunod-sunod may mga aftershocks pa. Alam mo kung saan ang naperwisyo talaga? ‘Yung KAPA country. General Santos, Digos, Magsaysay, Matanaw,” sabi ni Pastor Quiboloy.

Source: Sonshine Media

Leave a Reply

Theme by Anders Norén