Local News

Panoorin: PNP, Gustong Wala si Leni sa Law Enforcement ng Kampanya Kontra-Droga!

Sinegundahan ni Philippine National Police (PNP)officer-in-charge PLtGen Archie Gamboa ang suhestiyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na mas mabuti kung hindi kasama si Vice President Leni Robredo sa pagpapatupad ng batas pagdating sa kmapnya kontra-droga.

“I hope that the Vice President would heed to the suggestion of the [PDEA] Director General [Aaron Aquino] na pagdating sa [when it comes to law enforcement], sana ibigay lang ito sa amin [hopefully, she’ll just leave it to us,],” banat ni Gamboa.

Ito ay sinabi ni Gamboa kahit na itinalaga na bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si RObredo.

Para kay Gamboa, mas mabuti daw kung pagtutuunan ni Robredo ng pansin ang sektor ng hustisya at rehabilitasyon ng (ICAD).

“Pag sinabi mong ‘wag mangialam [If you say don’t meddle], it’s just like also slapping the President on what he did. So bigyan natin siya ng, bigyan natin si Vice President Robredo ng chance [So let’s give Vice President Robredo a chance], but we suggest, we strongly suggest even on our committees, that she would concentrate on advocacy and rehabilitation,” paliwanag pa ng OIC ng PNP.

Naniniwala naman si Gamboa na hindi dapat bigyan ng aktuwal na kopya ng listahan ng high-value drug targets (HVTs) si Robredo, bagkus, magpresenta na lang ang PDEA ng mga HVTs sa isang closed-door meeting.

Umamin na raw ang ilang miyembro ng ICAD na hindi sila kumportable na makatrabaho si Robredo na isa sa mga lider ng oposisyon.

Sa kanya naman programa sa radyo, iginiit ni Robredo na kailangan niya ang listahan ng HVTs.

“Paano ko mae-ensure na mahuhuli ‘yung high-value targets kung hindi ko nga alam kung ilan ba ‘yung high-value targets and ano ba ‘yung status sa pagtugis ng high-value targets?” boladas ni Vice President at ICAD Co-chair Robredo.

Source: ANC | CNN Philippines | Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén