Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: PNP-NCRPO, Handang nang Isama si Robredo sa Anti-Drugs Operations!

Para kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Debold Sinas, handa silang isama sa mga anti-drugs operations si Vice President Leni Robredo. Ito ay matapos tanggapin ng bise presidente ang pagiging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na inalok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan lang.

“Bakit hindi? Kung available siya (na sumama sa anti-drug operations), we will. But of course, she is the vice president, importante ang security niya, “ sabi ni PBGen. Sinas.

Hindi naman maigagarantiya ni Sinas na walang masasawi sa mga anti-drug operations matapos sabihin ni Robredo na “zero killings” ang gusto niyang manyari sa kampanya kontra-droga. Ayon sa opisyal, kailangan din daw nilang ipagtanggol ang mga sarili.

Inimbitahan na rin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino si Robredo na sumama din sa mga operasyon ng PDEA para maunwaan ni zRobredo ang mga ginnagawa ng mga alagad ng batas.

“Maybe ma’m, I could ask you to join us in one of the operations. I’ll also be there para from the planning stage until the conduct of the operations… at least ma-feel mo kung paano talaga ang ginagawa ng mga law enforcers natin,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

Sa panayam ni VIce President Robredo sa ilang miyembro ng media, sinabi ng pangalawang pangulo na wala naman daw problema sa kanyan kung sumama siya sa mga anti-drug operations. Inaalala lang daw niya na baka mabulilyaso ang operations kung mayroong makakasagabal.

“Kasi iyong sa akin, kapag mayroong mga istorbo, lalong nako-compromise iyong operasyon… Wala tayong inuurungan na challege. Pero ang mahalaga, ano ba ang magiging resulta ng operasyon. Hindi naman (mahalaga) ‘yun kung sino ang nandoon. Pero kung yayayain ako, pupunta ako, pero ang pinakatanong lang: Hindi ba ako makakaistorbo, ‘di ba? “ pahayag ni vice president Leni Robredo.

Source: News5 | UNTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén