Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Poe at Transport Secretary, Nagtalo sa Senate Hearing Dahil sa Traffic sa

Nagkasagutan sina pagdinig sa senado sina Senadora Grace Poe at Department of Transportation Secretary Arthur Tugade nang mapag-usapan ang patungkol sa emergency powers na hinihiling ng gobyerno para sa solusyunan ang trapiko sa Metro Manila.

Sa kanyang opening speech, sinabi ni Tugade na kung naibigay ang emergency powers sa Duterte Administration sa unang tatlong taon nito ay marami sanang nagawa ang pamahalaan para sa matugunan ang lumalalang traffic sa Kamaynilaan.

“Kung napagbigyan lang sana ng emergency power noon, dapat ngayon nirerepaso na natin ‘yung mga nagawa. Kami ay umaasa na ngayon ay mabigyang pansin ang emergency power na aming hinihingi,” banat ni Tugade

Paliwanag ni Tugade, hindi pangmatagalan ang hinihiling nilang emergency powers.

“Ito po ay emergency power na hing pang-forever. Ito po ay emergency power na sukat sa isang taon, dalawa, tatlong taon, kaya nga kung ating pag-iisipan at bigyang tanaw ang nakaraan, kung napagbigyan lang sana ang emergency power noon, dapat ngayon ay nirerepaso na natin ang nagawa, kung napagbigyan,” ayon pa sa kalihim.

Hindi naman kumbinsido si Poe sa naging paliwanagng kalihim ng transportasyon. Pinagpilitan ni Poe na marami daw mga proyekto ang puwedeng gawin ng pamahalaan kahit walang emergency powers.

“There are alternative modes of procurement that is allowed under existing laws. May mga bagay na hindi kailangan ng emergency power. ‘Yung ating trains hindi kailangan ng emergency power para mag-acquire… Hindi mapapabilis, sa ngayon nga hindi nagagwa e…Meron tayong recourse sa ngayon. Kung talagang kailangan ang emergency power e bakit hindi ibibigay, pero wag sisihin na kaya hindi nagagawa ang trabaho dahil wala ‘yan,” boladas ng senadora.

Sinagot naman ang ni Tugade ang mga pinagsasabi ni Poe.

“Wala kaming sinasabing wala kaming nagawa. Mas marami sana kaming nagawa kung may emergency power. Ang usapin sa emergency powers ay hindi sa procurement lamang,” resbak ni Tugade sa senadora.

Source: GMA News | DWIZ | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén