Local News

Panoorin: Pres. Duterte, Ipinag-utos na I-Ban ang mga US Senators!

Nagbigay ng direktiba ang Palasyo ng Malacañang sa Bureau of Immigration na pagbawalang makatungtong sa bansa ang mga Amerikanong Senador na sina Dick Durbin at Patrick Leahy. Ang dalawang Amerikanong mambabatas ang naghain ng resolusyon para pagbawalan ang mga opisyal ng Pilipinas na responsable sa pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima na makapasok sa Estados Unidos.

Ayon pa sa Malacañang, kapag ipinatupad ng Amerika ang travel ban laban sa mga opisyal ng gobyerno ng ating bansa, kakailanganin na ng mga Amerikano na kumuha ng visa upang makapasok sa Pilipinas.

“Should a ban from entry into US territory be enforced against Philippine officials involved in or by reason of Senator De Lima’s lawful imprisonment, this government will require all Americans intending to come to the Philippines to apply and secure a visa before they can enter Philippine territory,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa kanyang media briefing sa Palasyo.

Source: News5 |inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén