Local News

Panoorin: ‘Bakit biglaan?’ PUP Students, Umangal sa Drug-Testing!

Inalmahan ng ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippiones (PUP) ang isinagawang drug testing sa kanilang paaralan.

Kinuwestiyon ng ilang kung bakit biglaan daw ang ginawang drug testing.

“Hindi na-disclose kung ano ang purpose ng drug-testing na iyon. Ginawa din siyang mandatory,” sabi ng isang mag-aaral na nakapanayam ng GMA News.

“Walang assurance na hindi makakalapas ang impormasyon. Hindi rin nabigay sa amin ang imformation kung sino ang gagaw at kung paano ang pilian ng estudyante,”pahayg ng isa pang estudyante.

“We see this move as immediate o biglaan. Walang prior na abiso,” sabi ni PUP Central Student Council President Jomerop Dacula

Nilinaw naman ng pamunuaan ng PUP na limang buwan nilang pinaghandaan ang drug testing sa kanilang eskwelahan. Naabisohan din daw ang mga mag-aaral pati ang mga magulang ng mga ito. Sumusunod din daw sila sa direktiba ng Commission on Higher Education.

“Ito ay na-dessiminate namin sa PUP. Sa mga estudyante ay nag hold kami ng orientation at proper information dessimination… This is not just compliance sa CHED. This is a moral responsibility,” pahayag ni Emanuel De Guzman, Presidente ng PUP.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging komento ng mga estudyante.

” STUDENTS WHO ENJOYS STATE UNIVERSITY’S SCHOLARSHIP SHOULD SUPPORT GOVERNMENT AND STATE UNIVERSITY PROGRAMS. THOSE WHO RESIST, SCHOOL ADMINISTRATORS SHOULD CREATE POLICY AUTOMATICALLY REVOKING SCHOLARSHIP OF SUBVERSIVE STUDENTS,” sabi ni A. Bernardo.

“Pag cnabing may drugtest mamaya or bukas malamang bulakbol yung mga adik mga mellenials ngayon iba ang pananaw nila sa surprised drugtest pagtatawanan kayo ng mga batang 90s kaya nga surprise anong klaseng surprised ba gusto niyo yung si coco martin ba?” sabi ni S. Germinal.

“Iba talaga mind set ng mga kabataan ngaun, kya nga surprised ang pag drug test para malaman kong sino ang positive sa drug. matatalino pero Bobo, just saying lng,” sabi ni S. Gorobao.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén