Local News

Panoorin: “Put— Ina Leni!” DU30, may Sasampalin sa Opisina ni Robredo!

Kagabi sa kanyang press conference, tinalakay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pinaggagawa ni Vice President Leni Robredo simula nang ito ay maitalaga bilang Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD) co-chair. Ilan sa pinuna ni Pangulong Duterte ay ang pakikipagpulong ni Robredo sa mga banyaga tulad ng mga opisyal ng United Nations (UN) at ng mga United States Embassy. Isa rin sa nabanggit ng Pangulo ay ang social media post ng isang personalidad sa hanay ng human rights.

“Back to Leni, masyado kang ano eh — too… Pati ba naman ‘yang — ‘yang prosecutor and the tweet. Nakita ko ‘yung tweet eh. “I am… I am packed and ready to go and arrest Duterte.” ‘Yan ang imbitahin mo? Ganun ang salita sa akin. P****** i**, Leni, sa harap mo sampalin ko ‘yan. Dalhin mo dito. I dare you, invite him. Sinabi ko kasi sa Immigration, papasukin ninyo. I dare you. Kung talagang dedicated ka, papasukin mo dito ‘yang p***** i**** ‘yan. Puntahan kita sa opisina mo, sampalin ko ‘yan sa harap mo. Ito isampal ko. Totoo…. Dalhin mo sa opisina, pupuntahan ko kayo. Sampalin ko ‘yan sa harap mo. Bastos ‘yan,” resbak ni Pangulong Duterte.

Magugnita na matapos tanggapin ni Robredo ang alok ni Pangulong Duterte na maging ICAD co-chair ay nagkomento sa social media ang former deputy director ng Human Rights Watch’s Asia Division na si Phelim Kine. Ayon kay Kine, handa na siyang magpunta ng Pilipinas para magbigay ng payo sa kampanya kontra-droga. At ang una daw niyang rekomendasyon kay Vice President Robredo ay ipaaresto si Pangulong Duterte at ang mga alyado nito.

“Dear VP @lenirobredo – my bags are packed and I’m ready to come to the #Philippines to help advise how to end this murderous “drug war.” Meanwhile here is my Recommendation No. 1: Arrest #Duterte and his henchmen for inciting & instigating mass murder,” patutsada ni Kine.

Source: Duterte’s Press Conference| PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén