Local News

Panoorin: Rally Kontra NPA, Sabay-Sabay Ginawa mula UP Diliman Hanggang Monumento!

Kung akala ng mga militante ay sila ang may kayang magsagawa ng kilos-protesta, hindi nagpahuli ang mga grupong galit sa mga komunista. Ngayong araw ay sabay-sabay nagsagawa ng pag-kilos ang mga anti-communist group para kundinahin ang New People’s Army. ang armed wing ng COmmunist Party of the Philippines (CPP).

Dinaan ng mga rallyista sa sayaw at awit ang kanilang pagkundina sa mga rebeldeng komunista.

Ang rally ay ginawa sa Baclaran sa Parañaque, Liwasang Bonifacio sa Maynila, mayroon di sa iba’t ibang bahagi sa Quezon City (UP DIliman at Philcoa) at Monumento sa Caloocan.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, kasama sa rally ang mga dating NPA. Ngayon araw din daw ginugunita ng CPP-NPA ang kanilang anibersaryo.

Nagbigay ng talumpati ang mga kinatawan ng anti-communist groups tulad ng League of the Parents of Philippines, Citizen Crime Watch, Hands off of Our Children, at Manila NGO Alliance, Bantay Bayan.

Bitbit ng mga rallyista ang mga karatula na may nakasulat na “Sagipin ang mga kabataan sa recruitment ng NPA” at “Mga kabataan bigyan ng tamang kinabukasan.”. Nagmahagi rin ang mga ito ng polyeto para udyukan at hikayatina ng mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak laban sa mga komunista.

Mayroon din grupong nagsagawa ng pagkilos laban sa mga komunista sa EDSA Shrine sa Ortigas.

Naki-isa din ang ilang kapulisan sa rally at nagkabit ng speaker sa kanilang police mobile.

Source: Philippine News Agency | Inquirer | DWIZ | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén