Local News

Panoorin: Rider, Todas nang Suwayin ang Checkpoint!

Dedo ang sinapit ng isang rider matapos itong sumalpok sa poste nang suwayin niya ang checkpoint sa Malolos, Bulacan.

Mabilis umano ang takbo ng motor ng rider na si Aldrin Dela Cruz at tinakasan ang mga pulis na nagmamando sa checkpoint. Dahil sa pag-eskapo ni Aldrin, hinabol ito ng mga alagad ng batas. Kalaunan ay sumalpok na ito sa isang poste na naging dahilan ng kaniyang pagka-tepok. Nagkaroon ng matinding sugat sa ulo si Aldrin, ayon sa ina nito.

Giit ng ina, maaaring natakot lang daw ang kaniyang anak kaya hindi sumunod sa checkpoint. Ibinunyag pa ng ina ng rider na galing ito sa inuman at walang dalang lisensiya.

Ayon sa mga alagad ng batas, ginawa lang nila ang kanilang trabaho. Hinabol daw nila si Aldrin dahil sa hindi nito paghinto sa checkpoint.

Nagpaalala naman sa puliko ang awtoridad na sumunod sa checkpoint dahil para rin sa seguridad ng bawat isa.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén