Local News

Panoorin: Leni, Binantaang Sisibakin ni Duterte kung Ikakalat ang State Secrets!

Sa ekslusibong panayam ng GMA News kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ng Punong Ehekutibo na handa siyang sisantihin o sibakin si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) kung ikakalat nito ang mga sensitibong impormasyon na hawak ng gobyerno na magiging daan para malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.

“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers… There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” sabi ni Pangulong Duterte.

Napa-ulat kahapon na hinihingi umano ni Robredo ang listahan ng high value targets sa kampanya kontra-droga. Diskumpiyado si PDEA Chief kung saan ito gagamitin ni vice president. Si Aquino ay co-chair person ni Robredo sa ICAD.

“Meron atang hinihingi na lists. One example ‘yung list ng high-value targets. So I think, nag-iisip naman ako bakit kailangan niya in the first place. Wala naman sa mandates namin ‘yun, na kailangan kumuha ng listahan ng high-value target… Why are you getting the list of drug addicts na you are just, iniisip ko kasi (I am thinking) we are just — kasi co-chairperson ko siya,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

Si Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang ICAD co-chair upang malaman nito kung paano isinasagawa ang kampanya kontra droga ng gobyerno. Isa pa sa mga dahilan ng Pangulo kaya niya hinamon si Robredo na maging bahagi ng war on drugs ay dahil sa pagbabatikos nito sa ginagawang ng gobyerno laban sa iligal na gamot. Magugunita na sa panayam ni Robredo sa foreign wire agency na Reuters, sinabi ng bise presidente na palpak daw ang war on drugs at kailangan nang itigil ito.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén