Local News

Panoorin: S. Korean President, Humanga sa Pamumuno ni Pres. Duterte!

Pinuri ni South Korean President Moon Jae-in ang paglago ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Tinawag din ni Moon na future of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang ating bansa.

“The Philippines is the future of ASEAN as it continues to achieve an impressive growth rate of six percent this year thanks to your (President Duterte) outstanding leadership,” sabi ni South Korean President Moon.

Nais din daw ng South Korea na palakasin pa lalo ang ugnayan nito sa Pilipinas.

“Through our meeting today, I hope to strengthen my friendship with you and expand our bilateral cooperation that will contribute further to the development of ASEAN,” dagdag pa ni South Korean President Moon.

Nagtungo si Pangulong Duterte sa South Korea upang mapirmahan ang 4 na kasunduan para lalong mapahusay ang relasyon ng dalawang bansa.

Ang mga napiramahang kasunduan ay may kinalaman sa social security, tourism at free trade deal. Napirmahan din sa sidelines ang mga kasunduan sa edukasyon at pangingisda.

Ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, makikinabang ang libo-libong Pilipinong nagtatrabaho sa SOuth Korea dahil sa pinirmahang kasunduan sa social security. Umabot na sa 58,000 na Pilipino ang naninirahan ngayon sa South Korea.

Mapapahiram din ng Korea ang Pilipinas ng mga teknolohiya sa pangingisda.

Ang kasunduan naman sa edukasyon ay makakapagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino upang mapag-aralan ang kultura at wika ng Korea.

Nakipagpulong din si Pangulong Duterte sa mga negosyante sa South Korea.

“The Palace notes that President Rodrigo Roa Duterte’s official activities in Busan, Republic of Korea kicked off with PRRD meeting top officials of Korean companies during the latter’s courtesy call. The Filipino Chief Executive told Korean business leaders the significant headways made under his Administration in terms of sound macroeconomic policies and infrastructure build-up and connectivity. President Duterte particularly cited the enactment of the Ease of Doing Business Law, the massive infrastructure program — some of which are funded by the Republic of Korea — and the implementation of the Inclusive Industrial Strategy,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: Manila Bulletin | State of the Nation with Jessica Soho | Philstar | Office of the Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén