Local News

Panoorin: Sanggol, Tumilapon Matapos Banggain ng Motor!

Kaawa-awa ang sinapit ng 10-buwang gulang na sanggol matapos mabangga ang kaniyang ama na may hawak sa kaniya. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Dagupan City, Pangasinan.

Makikita sa CCTV footage na gabi at tumatawid ang mag-ama nang mabangga ang mga ito. Kasama rin sa nabangga ay ang pamangking babae.

Agad daw na tumayo ang rider pero sa halip na tulungan ang mga nabiktima nito ay pasimpleng tumakas ito.

Dinala na sa pagamutan ang mga biktima at nasa ligtas na kalahayan ang mag-ama. Habang ang pamangkin ay patuloy na inoobserbahan.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng rider. Nanawagan na rin ang mga lagad ng batas sa rider na sumuko para panagutan ang nagawa sa mga biktima.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén