Local News

Panoorin: PONDO sa SEA GAMES, Binawasan ni Drilon ayon kay Cayetano!

“Ugali talaga ng Pilipino, ng oposisyon minsan, kung kailan gawa na saka hihirit na dapat ganito, dapat ganyan,”

Sinegundahan ni House Speaker Alan Cayetano ang naging pahayag ni Deputy Speaker Mikee Romero tungkol sa pananagutan ni opposition senator Frank Drilon kaugnay sa nangyayaring aberya ngayon sa Southeast Asian (SEA) Games. Ayon sa mamababatas, tinanggalan ni Drilon ng 33 porsyento ang SEA Games budget.

“Tama ‘yung sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero, it was Senator Drilon who moved the budget of the SEA Games to the PSC (Philippine Sports Commission) and it was (him) who proposed cutting it by 33 percent,” sabi ni House Speaker Cayetano.

Magugunita na sa panayam kay Congressman Romero sa ANC’s “Headstart”, sinabi ng mambabatas na dapat din sisihin si Drilon sa nangyayaring gulo sa SEA Games dahil naantala ang pondo. Hindi daw agad inaprubahan ng senado ang budget para sa SEA Games.

“Unfortunately the Senate had a lot of problems and na-delay ng 5 to 6 months yung budget. Lahat to was caused by that delay. Sen. Drilon is also partly to blame probably because the delay was caused on their side, not on the House side,” rebelasyon ni Congressman Romero.

Naging laman ng balita kamakailan lang ang SEA Games cauldron na nagkakahala ng P50 million matapos itong bbatikusin ni Drilon. Ipinaliwanag naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ang karamihan pondo pampaggawa ng cauldron ay napunta sa flaming mechanism upang maging ligtas ang paligid ng cauldron.

Pinahapyawan din ni Cayetano ang ilang media dahil sa pagpapalabas ng mga negatibong balita tungkol sa SEA Games. Ayon sa kongresista, hindi ginagawa sa ibang bansa ang ginagawa ng media sa Pilipinas.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén