Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Shut Up ka na lang Kung ‘Di mo kaya ang Hamon” Palasyo, Binutata si Leni!

Magugunita na hinamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo upang maging drug czar at manguna sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. Ang hamon na ito ng Presidente ay matapos magbigay si Leni ng pahayag sa isang foreign media na dapat na daw ihinto ang drug war dahil hindi nagtatagumpay.

“The opposition, they always hanker to sasakyan nilang… kagaya ni Robredo. Sige lang siya human rights-human rights. As a matter of fact ,I am sending a letter to her through Secretary Medialdea…. I can commit you there to be the drug czar. Maraming masyadong reklamo doon sa labas.. sige, sabihin niya lang, then you have to redirect your, or whatever. Ngayon mas marunong ka man sa akin, I’ll hand it to you, full powers sa drugs. I’ll give you six months. Tingnan natin kung kaya mo,” buwelta ni Duterte.

Sa isang pahayag, hindi masagot ni Leni ng diretso ang hamon sa kanya, bagkus gusto pang palabasin na talagang pumapalpak ang drug war dahil ipinapasa daw sa kanya.

“Pero kung walang failure, bakit ipapasa sa akn? ‘Di ba? Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung successful kasi siya, hindi kailangan ipasa, kasi nagawa mo na,” palusot ni Leni.

Ang boladas na ito ni Leni ay hindi pinalampas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. BUwelta ni Panelo, kung hindi kaya ni Leni ang hamon ay tumahimik na lang daw ito.

“Tumahimik na lang siya…tumahimik ka kung ‘di mo kayang gawin ‘yung crinicriticize mo,” resbak ni Spokesperson Panelo.

Kung tatanggihan daw ni Leni ang alok ng Pangulo ay mapapatunayan na hindi palpak ang drug war na tulad ng sinasabi ni Leni.

“If she declines (Duterte’s challenge), it only shows that it is not true that this war on drugs is a failure and that there should be more or other measures to be undertaken,” dagdag pa ng tagapagsalita ng Presidente.

Source: Philstar | Inquirer | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén