Local News

Panoorin: “Si DU30 lang Diretsahang Kumupronta sa Drug Syndicates” Mayor Isko, Pinagtanggol ang Anti-Drug Campain kay Leni

Kung si Vice President Leni Robredo ay nagbigay ng palyadong marka sa anti-drug campaign ng pamahalaan, iba ang naging opinyon ni Manila Mayor Francisco “isko Moreno” Domagoso sa pagpupursigi ng gobyerno na laban ang droga.

Magugunita na kahapon ay sinabi ni RObredo na “massive failure” umano ang drug war at kung bibigyan ito ng grado ay makakakuha lamang ito ng “1 out of 100”.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” patutsada ni Vice President Robredo.

Sa panayam naman kay Mayor Isko sa ANC, sinabi ng Punong Lungsod ng Maynila na bibigyan niya ng grade “A” ang effort ng pamahalaan sa paglaban nito sa problema sa droga.

“This is the only President who came after the drug syndicates confrontationally. You have to give an “A” for the effort. Hindi iyan biro. Ang lalim ng droga ay noong panahon pa ng dekada otsenta lumala. Kung baga sa puno ‘yung ugat ang lalim na. Going after this problem will take quite some time. But with regards to the President’s effort, I think it is more than he achieved,” sabi ni Mayor Isko.

Naniniwala din si Mayor Isko na patas ang pagpapatupad ng anti-drug campaign.

“I can honestly say na fair ang mga operation (sa anti-drugs). I am not the one. I am nobody to assess everything, epecially if I don’t have the entire picture pof the problem. Kasi it is quite unfair for the effort that being done. Because nobody tried to confront this except President Rodrigo Roa Duterte,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Source: ANC via MUB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén