Local News

Panoorin: Sigang Ex-Traffic Enforcer, Dinuraan sa Mukha ang Batang Maykapansanan!

Lumapit sa programang Bitag ang isang ina at inireklamo ang dating miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa ginawa nito sa kaniyang anak na may kapansanan. Ayon kay Jocelyn Arcino, dinuraan daw ni Dunhill King Cipriano ang kaniyang anak. Pinagtanggol naman daw niya ang kaniyang supling pero nilamutak daw ni Cipriano ang kaniyang mukha. Nakatanggap din daw sila ng pagbabanta mula kay Cipriano.

Pati ang barangay kapitan ay may hindi maganda ang testimonya laban kay Cipriano. Kwento ng kapitan, sinasabi daw ng kaanak ni Cipriano na may sayad ito sa pag-iisip.

Naka-usap din ni Ben Tulfo si Wilson Chan Sr, Chief Operation ng MTPB. Ayon kay Chan, noong panahon ng pandemiya ay hindi tumutulong si Cipriano sa gawain ng lungsod, bagkus kung saan-saan pa pumupunta. Nanamantala pa daw ng tindera si Cipriano nang kunin nito ang isang sakong bawang na paninda ng tindera.

Source: Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén