Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Sikat na Hair Stylist, Binoljak ang Pagsi-CR ng Beki sa Female Toilet!

“Ang bakla ay bakla, ang bakla, gilingin mo man yan, ang labas niyan, baklang hamburger”

Itong nagdaang mga araw ay naging mainit na usapin ang tungkol sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill at lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community matapos ang diumanoy insidente ng “diskriminasyon” sa transgender na si Gretchen Diez. Magugunita na nagviral ang kumprontasyon ni Diez at ng janitress sa isang mall matapos siyang pagbawalan sa female toilet.

May ilang politiko at kilalang personalidad na nagbigay na rin ng opinyon sa pangyayari. Pero ngayon isang miyembro ng LGBT community ang naglakas-loob na magsalita laban sa kagustuhan ng mga ka-federasyon niya na gumamit ng palikuran ng babae. Para kay Ricky Reyes, huwag na raw ipagpilitan ng ibang mga bakla na gumamit ng comfort room na pambabae.

“Kung ikaw ay may nota, sa lalake ka. Pag may kipay ka, sa babae ka. Finish! Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar,” banat ni Reyes.

“San ka ba nakakita ng, ‘Hoy may kepay na ako oh! May boobs na ako oh’. May babae bang ganun? Lumugar na lang sa tamang lugar dahil mayroon naman tayong gay community. Bakit tayo kailangang pumunta sa kung anu-anong (beauty pageant), eh may gay pageant naman tayo. Bakit tayo pupunta ng mga bar at ipapipilitan mong girl ka, eh may mga bar naman para sa mga bading? Dun ka sa lugar natin. Wag mong ipagsasakan ang sarili mo sa di ka naman matatanggap… Tigilan na iyang kabaklaan na iyan. Huwag na tayong mag-bestida sa kalye kasi lalo tayong pagtatawanan ng mga tao”dagdag pa ni Reyes.

Nagpahayag din si Reyes ng pagtutol sa same-sex marriage.

“Ang kasal ay para lamang sa lalake’t babae. Pambabastos sa relihiyon, wag na”

May payo rin ang sikat na hair stylist sa mga kapwa niya bading.

“Dapat tumulong tayo sa kapwa, para mahalin tayo ng tao,”

Si Reyes ay ang may-ari ng sikat na beauty salon chain na Ricky Reyes.

Source: Ricky Reyes via Pinoy History page

Leave a Reply

Theme by Anders Norén