Local News

Panoorin: Sinimulan na ang Construction ng Metro Manila Subway Project!

Sinimulan na ng gobyerno ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project na tinaguriang “Project of the Century”.

Ang proyekto ay magiging patially operational sa taong 2021 at inaasahang makakapagsilbi sa mahigit 370,000 na pasahero kada araw.

Magkakaroon ito ng 15 istasyon ‘pag ito ay fully operational na.

Nagsagawa ng gobyerno ng seremonya para sa pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng proyekto sa Depot Site sa Valenzuela City nito lamang Disyembre 21, 2019.

Parte ng seremonya ay ang pamamahagi ng tseke at pagpirma sa deeds of sales ng mga maapektohang landowners.

“This gathering today is the primodial trigger to be able to start the subway. That is why this gathering is important. Wala naman ‘hong proyektong mai-implement kung ‘yung babagtasin mo na daan ay hindi pa nasolusyunan. Ngayong araw na ‘hong ito ang signal na para bang sinasabi nating parating na ang subway,” sabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Matapos ang official transfer ng mga lote mula sa mga landowners papunta sa gobyerno, sinimulan na ng mga contractors ang clearing operation at fencing sa bahagi ng depot site.

“With our funding in place, contractor signed-up, detailed designs completed, and right-of-way substantially acquired, and under the strong willed leadership of our leader, Secretary Arthur Tugade, partial operability of the Duterte Administration’s flagship Metro Manila Subway Project is on track to delivering its promise of a more comfortable life to every Filipino,” paliwanag naman ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang balita tungkol sa subway project. Narito po ang ilan sa kanilang mga komento at reaksyon.

“Only in our lifetime. The future is looking bright. Thank you DOTR, thank you President Duterte, and thank you to everyone who made this possible,” sabi ni J. Trinidad.

“thank you Department of Transportation – Philippines GOD BLESS you more! salamat po sa malasakit nyo sa bansang pilipinas. specially kay sir Arthur Tugade! Merry Christmas po!,” sabi ni B. Fernandez.

Source: Department of Transportation | GMA News

Leave a Reply