Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Sisiguraduhin ko, Hindi Kayo Mare-renew” ABS-CBN, Nakatikim kay DU30!

Muling nagpahayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang haharangin ang franchise renewal of media giant na ABS-CBN. Ito ay kanyang sinabi sa Oath-Taking of the Newly Appointed Officials Heroes Hall, Malacañan Palace.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Marso 2020. Kung bibilangin mula ngayon, apat na buwan na lang ang nalalabi.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out. Ilan kaming mga kandidato (noong 2016 elections) na kinuha niyo ang pera namin but you never aired our (election) propaganda,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ipinaalala din ni Pangulong Duterte ang mapanirang advertisement ni former Senator Antonio Trillanes laban sa kanya na inereng ABS-CBN.

“Pero ‘yung propaganda ni Trillanes portraying children, and which is really prohibited act under the rules of the election code and in spite of the fact na may TRO (temporary restraining order) na huwag ninyong ipalabas, pinalabas pa rin ninyo,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na pati si House Speaker Alan Peter Cayetano ay mayroon “personal objections” sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“People like me, I also have some objections [about the extension]. I’ll tell you, this is my personal [opinion], okay?… On one hand I feel that we have to protect the freedom of the press and freedom of expression; on the other hand I feel that there’s certain instances in history, and in the 2016 election, that some sectors or leaders of ABS interfered unjustly… So how do you sort it out? Like right now, we can debate that, and of course, you will stand up for the network but I’d rather have it in a hearing, straight talk, face to face, and talk about it,” sabi ni House Speaker Cayetano sa isang panayam.

Sa ilalim ng batas, ang mga radio and television companies ay kailangan makakuha ng prangkisa mula sa kongreso.

Source: PCOO | Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén