Local News

Panoorin: “Sumasakay lang si Leni sa Nagawa ng DILG” Robredo, Sapul sa Banat ng DILG Official!

Matapos sibakin kagabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo sa pagiging co-chairperson ng Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD), nagsalita na ang isa sa mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Banat ni DILG Undersecretary RJ Echiverri, kahit wala naman daw si Robredo ay nagagawa ng kanilang ahensiya ang trabaho. Sumasakay lang din daw si Robredo sa mga nagagawa ng ahensiya.

“With or without naman si Vice President, nagagawa na po namin (DILG) ang mga binabanggit niya sa media patungkol sa community-based drug rehab, patungkol sa pagbibigay importansiya sa demand reduction. It is nothing new. Marami pa nga siyang natututunan sa briefing namin. Actually, pangit man sabihin, pero sumasakay lang din siya sa trending, sa nagagawa na namin (DILG). Wala naman din bago sa mga proposals niya dahil ito ay galing din sa amin,” sabi ni Echiverri.

Binuweltahan din ni Echiverri ang naging pahayag ni Robredo kamakailan lang. Tila nagpapahapyaw daw kasi ang bise presidente na mayroong nangyayaring EJK.

“Hindi namin nagustuhan ‘yun sinabi niya na ‘Ito ay hindi laban sa tao, kundi laban sa droga’. So, may insinuation pa rin ng alleged EJK. So, ‘yung ganitong salita, doesn’t really help at all,” banat ni Echiverri.

Giit pa ng opisyal ng DILG, nagtatagumpay ang anti-drug operations ng gobyerno dahil sa pamumuno ni Pangulong Duterte.

“The success of this anti-illegal drugs campaign is purely and solely because of the leadership of President Duterte. You can’t re-invent the will. Without the President’s pressure on us and all agencies, hindi mangyayari ito,” ani Echiverri.

Mali rin daw ang suhestiyon ni Robredo na demand reduction sa droga.

“Kaya kung ang ipo-propose niya ay demand reduction lang at hindi supply reduction. Mali rin po. Kasi kung wala ‘yung supply reduction at wala ‘yung fear factor na sinasabi, ‘yung TOKHANG na ginagawa namin, hindi magsu-surrender ang mga iyan. Oh ano ang ide-demand reduction namin, o ano ang iko-community-based drug rehab namin, kung walang takot sa amin. So kailangan mo pa rin ng supply reduction. So, it goes hand-in-hand. Supply reduction meaning ay ‘yung panghuhuli ng mga pulis, pag-operate sa mga high-value targets,” paliwanag ni Echiverri.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén