Local News

Panoorin: Tangke at Snipers, Ginamit na sa Bilibid dahil sa Namumuong Tensyon!

Dahil sa namumuong tensyon dahil sa maksasaysayang pagwasak sa mga kubol sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP), hindi na nagpatumpiktumpik ang otoridad at isinailalim na rin sa Red Alert ang lugar. Gumamit na sila ng mga tangke at snipers upang hindi na lalong lumalala ang sitwasyon.

Pumosisyon na rin ang mga assault team ng SWAT (special weapons and tactics) sa quadrant 2 ng Maximum Security Compound.

“Doon po sa quadrant (2) na iyon, doon po nakahimpil ang karamihan sa mga PDL (Person Deprived of Liberty) na galing sa quadrant 1… Mataas ang tensyon kaya minabuti ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at ng Special Action Force (SAF) na ihanda ang kanilang mga tangke… Kami ay naka-red alert ngayon. Mahigit 18,000 ang PDL na apektado ng demolisyon kaya hindi kami pwedeng magbaba ng aming guard,” paliwanag ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Major Alberto Tapiru.

Kamakailan lang habang nagsasagawa ng demolisyon sa loob ng Bilibi ay nagkaroon ng pagsabog sa quadrant 4. Sa quadrant 4 umano nakapiit ang mga notoryus na preso tulad ng mga miyembro ng Abu Sayaff at Maute Group. TInutukoy pa ng mga otoridad kung ang pagsabog ay sinadya o aksidente lamang.

Magugunita na pinangunahan ni BuCor Chief Gerald Bantag ang pagwasak sa mga kubol at mga iligal na istruktura sa Bilibid para gawing pantay-pantay ang mga preso at masawata ang mga hindi kanais-nais na gawain sa loob ng presohan.

“Wala ng V.I.P na nagtatago sa jacuzzi di ba? Para lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Basta ikaw ay PDL, PDL ka. Hindi porke’t P*** may pera ka ay bibilhin mo ang mga tao di ba? Ang mga kubol kasi hindi pwedeng pumasok yan dahil illegal structure… Eh ‘yung mga mayayaman kasi dahil may pera, eh di nagpatayo (ng kubol),” sabi ni Bantag.

Source: GMA News | RTVM | DZMM | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén