Local News

Panoorin: Teacher, Binigyan ng THUMBS DOWN si Tulfo dahil sa Ginawa sa Guro!

Nitong nagdaang mga araw ay naging viral sa social media ginawa ng broadcaster na si Raffy TUlfo sa isang guro na inireklamo sa kanyang programa.

Sa isang episode ng “Raffy Tulfo in Action”, pinapili ng News5 TV Anchor na magbitiw ang guro o mahaharap ito sa asunto. Pinili ng guro na magbitiw sa propesyon nito para maiwasan ang demanda sa kanya.

Dahil sa nangyari, hindi napigilan ng isang Filipina Teacher sa United States ang magbigay ng komento sa nangyari. Ayon sa Pinay Teacher, walang kaalaman si Tulfo sa nangyayari sa loob ng silid-aralan at bibigyan din niya ng thumbs down ang naging hakbang ni Tulfo.

“Comment ko lang sa iyo Tulfo ha. Alam nmo sir Tulfo, saludo ako sa iyo dahil marami kang taong natutulungan, pero ngayon, I’m sorry, I have to give your episode a two thumbs (down),” sabi ng US Pinay teacher.

“You don’t know what teachers have been thru inside the classroom and you don’t have any idea what’s happening inside her classroom. GUess what? I’d like to remind you that teachers are human too,”dagdag pa ng US Pinay teacher.

Binanatan din ng Filipina teacher ang complainant at ipanaunawa dito kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga guro para matuparan lang ang propesyon.

Humingi na ng paumanhin si Tulfo sa nangyari at pumayag din sa sinabi ng mga netizens na hindi dapat patanggalan ng lisensiya ang guro na dumisiplina sa estudyante.

Source: Mahal Vorson via Super Tekla Page

Leave a Reply

Theme by Anders Norén