Local News

Panoorin: ‘Testigo, Niloko ni Trillanes’ – Atty. Gadon

“He was offered some money by the staff of Trillanes. He declined to accept it. Kasi at the time, he was after the advocacy of their group,”

Sa press conference, siniwalat ni Attorney Larry Gadon kung paano ginamit daw ni former Senator Antonio Trillanes ang mga testigo para magsalita laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa pamilya ng Presidente.

Isa sa ginawang halimbawa ni Gadon ay si Perfecto Jaime Tagalog. Ayon kay Gadon, may hawak na siyang sworn afidavit ni Tagalog.

“Si Perfecto Jaime Tagalog, ito ‘yung ginamit ni former Senator Antonio Trillanes na magsalita against Pulong Duterte and Duterte Family. According to the affidavit of Tagalog, he was duped by Trillanes into issuing statement pertaining to the rice smuggling in Davao,” sabi ni Attorney Gadon.

Dahil pinakitaan daw ni Trillanes si Tagalog ng dokumento na nagpapatunay umano ng korapsyon kaya nahikayat daw siya na magsalita laban sa Presidente.

“Akala ni Tagalog totoo ang sinasabi ni Trillanes kasi pinakitaan siya ng dokumento na nagpapatunay na involve daw sa smuggling si Pulong. Si Tagalog ay secretary general ng Confederation of Filipino Consumers. He thought at that time that he’s doing something for the advocacy, for the consumers. ‘Yun pala ginamit lang siya (ni Trillanes),” paliwnag pa ni Attorney Gadon.

Nitong nagdaang mga araw ay sunod-sunod na kamalasang sinasapit ni Trillanes. Mula sa paghahain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ( PNP – CIDG ) ng kasong sedisyon laban sa kanya hanggang sa pagkonekta ni Attorney Jude Sabio kay Peter Joemel “alyas Bikoy” Advincula sa kanya. Mukhang hindi na natatapos ang karma sa dating mambabatas.

Si Trillanes ay isa sa pinaka-masigasig na kritiko ni Pangulong Duterte. Magugunita na sa isang panayam sa Hardtalk, hinulaan ng dating senador na babagsak ang ratings ng Pangulong Duterte sa huling bahagi ng 2017 pero hindi ito nagkatotoo.

Source: Nanka Media Forum

Leave a Reply