Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Tignan natin kung Makatulog ka pa” Bong Go, May Banat kay Leni!

“Kaysa batikusin niya ang ating Pangulo at ang kanyang kampanya (kontra-droga), makaka-ambag ka at makakatulong ka,”

Mahigpit na hinihinakayat ni former Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go si Vice President Leni Robredo na tanggapin ang pormal na alok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para maging drug czar at pangunahan ang giyera kontra-droga ng pamahalaan.

Para kay Senador Go, panahon na raw para malaman ni Robredo kung gaano kalala ang problema sa droga ng bansa at gaano kabigat ang pasan na trabaho ni Pangulong Duterte.

“Wine-welcome po natin ang pagkatalaga kay Vice President Leni bilang anti-drug czar. I challenge the Vice Presidente na tanggapin ang hamon ng mamamayan bilang head ng anti-drug. Subukan niyo po. Atleast malalaman niyo po ang trabaho ng Pangulo at kung gaano kalaki ang problema natin sa iligal na droga ,” sabi ni Senador Go.

Ayon kay Go, gusto dawniya na magtagumpay si Robredo bilang drug czar. Malulungkot din daw siya kung sakaling hindi magiging tagumpay ang pamumuno ni Robredo sa anti-drug campaign ng gobyerno.

“We want her to succeed na labanan ang iligal na droga. Nasa kikod niya lang kami. Unahin lang ang interest at kapakanan ng karamihan. I challenge the Vice President to accept the job. Kung hanggang sa last day ng term ni VP Leni as anti-drug czar(June 30, 2022), let’s assess kung magiging successful siya at nasugpo niya ang droga, let’s congratulate her, at Kung hindi naman po, malulungkot tayo dahil inumpisahan na po ito ni Pangulong Duterte ,” dagdag pa ni Senador Go.

Kanina lamang ay inilabas na sa media ng Palasyo ng Malacañang ang pormal na alok ni Pangulong Duterte kay Robredo para maging bahagi sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Ang pag-alok ni Pangulong Duterte kay Robredo bilang drug czar ay nag-ugat sa negatibong komento ng bise presidente sa giyera kontra-droga ng pamahalaan kung saan sinabi niya sa foreign press na dapat nang itigila ng kampanya dahil palpak.

Source: DZMM – ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén