Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Totoong Babae ang mga Transgenders’ – Hontiveros

Noong nakaraang buwan ay naging mainit na usapin ang tungkol sa isyu ng diumanoy “diskriminasyon” kay Gretchen Diez, ang transwoman na pinigilang gumamit ng palikuran na pambabae ng isang janitress sa isang mall sa Quezon City. Ang transwoman ay isang indibiduwal na pinanganak na lalaki ngunit itinuturing ang sarili na babae.

Nag-viral ang insidente nang pananaway dahil sa pagvi-video ng Diez sa insidente at paglathaala nito sa social media site. Sa video, makikita na dinadala siya ng janitress na sumita sa kanya sa administration office ng mall at kalaunan ay pinosasan ng mga alagad ng batas.

Dahil sa nangyari, nagkaroon ng media mileage si Diez at humantong pa sa pagkakaroon ng pagdinig sa senado para talakayin ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Sa senate hearing, may isang kataga na sinabi si Senator Risa Hontiveros na hindi masyadong naging matunog noong panahon na iyon. Ayon sa senadora, ang mga transwoman na tulad ni Diez ay maikokonsidera na tunay na babae.

“Gusto kolang i-affirm at this point na totoong babae ang mga transwomen. So si miss Naomi, miss Gretchen,” sabi ni Hontiveros.

Sinabi ito ng senadora, matapos magbigay ng opinyon si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa maaring mangyari kung sakaling payagan ang mga transwoman na gumamit ng female restrooms. Nangangamba kasi si Senator Bato na baka samantalahin ng mga manyak na lalaki ang sitwasyon, magkunwari na transwoman para mamboso.

“Ang sabi ko nga, what if may isang lalaking manyak na mag-pretend na bakla, manilip o mag-exploit… This is not an attack to your group, kundi ine-entertain ko lang ang pahayag ng ibang hindi miyembro ng inyong community, ‘yun totoong babae. Natatakot sila na magkaroon ng ganoong insidente. Paano natin ma-appease ang mga apprehension ng mga straight na babae,” sabi ni Senador Bato.

Si Hontiveros ang isa sa may-akda ng bersyon ng SOGIE Bill sa senado.

Source: ANC | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén