Local News

Panoorin: Trillanes, Harapang Minura ng “Kidnap Victim” sa Preliminary Investigation

“Napakahayop mo! Ang kapal ng Mukha mo!”

Ganito na lang ang nasabi ng emosyonal at galit na galit na si Guillermina Lalic Barrido nang makaharap niya si former senator Antonio Trillanes sa preliminary investigation sa kasong kidnapping na inihain laban sa dating mambabatas. Nang dahil sa komosyon, sinabihan ni assistant state prosecutor Gino Paolo Santiago si Barrido na respetuhin ang opisina ng Department of Justice (DOJ).

Si Barrido ay ang negosyante na taga-Davao na pinilit umano ng kampo ni Trillanes na akusahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa extrajudicial killings. Giit ni Barrido, ikinulong daw siya sa kumbento ng kampo ni Trillanes upang magasalita laban sa Presidente. Ginigipit din daw ni Trillanes ang kanyang pamilya sa pamamgitan ng social media. Muntik na rin daw madisgrasya ang kanilang anak.

“Ilang years na nagtiis ako sa ginawa niya sa amin. Nang-harass pa siya. ‘Yung anak ko muntik pang madisgrasya… Napakasinungaling ng Trillanes na iyan. ‘Yung mga pinalabas niya at binayaran niya sa social media, ‘yung anak ko na-harass na sa eskwelahan. Mayroon siyang binayaran para mang-harass sa pamilya ko,” sabi ni Barrido.

Todo tanggi naman si Trillanes sa mga alegasyon ni Barrido. Binanatan din ni Trillanes ang kredibilidad ni Barrido.

“To be honest, ito ang kauna-unahang beses na nakita ko ang tao na iyan dito sa DOJ. So talagang, this is purely a harassment case. May history siya na panloloko at panganguwarta ng ibang tao, according sa nakalap naming ebidensiya,” patutsada ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes, bumaligtad daw si Barrido nang hindi na nabibigyan ng pera.

Sa isinagawang preliminary investigation, kinumpirma ni Barrido ang affidavit na ginamit na basehan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) para kasuhan sina Trillanes, Jesuit priest Fr. Albert Alejo, lawyer Jude Sabio at isang madre na kilala sa tawag na Sister Ling.

Source: Inquirer | News5

Leave a Reply