Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Tulfo, Sumabog sa Galit sa DepEd Official at Principal!

Hindi nakapagpigil ang broadcaster na si Raffy Tulfo nang makausap nito ang opisyal ng Department of Education (DepEd) region 7 at principal ng isang eskwelahan dahil sa isyu ng estudyante na kinitil ang sariling buhay dahil ipinahiya ng guro.

Ayon sa hiwalay na ulat ng Philstar, inutusan daw ng guro ang estudyante na bumili ng tubig. Ipinagamit daw ng guro ang motor nito sa mag-aaral pero hindi sinasadyang nagasagasan ang sasakyan noong ito ay pabalik na. Dahil sa nangyari, nagalit umano ang guro at sinigaw-sigawan daw ang estudyante sa harapan ng klase. Pinagbabayad din daw ng guro ang bata ng P3,700.

Napansin na lang daw ng lola ng estudyante na malungkot ito noong umuwi. Kalaunan ay nakita na lang ang bata na nakabitin sa puno at wala ng buhay.

Lumapit kay Tulfo ang ina ng biktima para magsumbong dahil sa hindi maayos na aksyon na ginagawa ng paaralan at ng DepEd.

Nang makausap ni Tulfo ang principal ng eskwelahan, nagulat ito na hindi man lang binigyan ng parusa ang guro. Lalong uminit ang ulo ni Tulfo nang sabihin ng principal na wala siyang authority na suspindihin ang guro.

Ayon kay Tulfo, maraming kasalanan ang guro. Una, hindi dapat inutusan ang estudyante na bumili ng personal na gamit. Pangalawa, oras ng klasena nang utusan ito ng guro. Pangatlo, menor de edad at walang lisensiya ang bata pero pinagmaneho ng titser.

“Bobo ka!… I’m sorry pero hindi ka deserving maging principal,” buwelta ni Tulfo sa principal.

Nagbanta si Tulfo sa mga taga-DepEd na dadalhin niya ang kaso sa kongreso.

“DepEd region 7! Ma’am, ito po ang gagawin ko trust me. Ipatatawag namin kayo sa congress. May way po kami. Kayo diyan sa DepEd Cebu, tignan natin ang kabobohan niyo, subukan niyong mamilosopo sa kongreso. Kasama ka siguro diyan. Ayaw niyong magsalita eh. Ayaw magbigay ng pangalan eh. Lahat kayo diyan sa DepEd region 7, mga p*nyeta kayo at mga bob* kayo,” banat ni Tulfo sa mga taga-DepEd.

Source: Raffy Tulfo in Action | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén