Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Vice Ganda, Hinamon si Pastor Quiboloy na Pahintuin ang Traffic!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na siya umano ang nagpatigil sa lindol sa Mindanao at dapat pasalamatan daw siya.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop… Sabi ko, ‘Lindol, huminto ka.’ Huminto. Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo. Hindi ko sinabi ito ng walang witness ha. May witness, marami, nakapalibot sa’kin,” banat ni Pastor Quiboloy.

Sa Tawag ng Tanghalan segment ng “It’s Showtime”, hinahamon ng Kapamilya Talent Vice Ganda na pahintuin ni Quiboloy ang traffic sa EDSA at ang longest-running TV series ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano.”

“Nako, kabahan si Cardo! Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ‘Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano,’ abangan niyo ‘yan… Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic dun! Iba ka Quiboloy… So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano!’ Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala,” biro ni Vice.

Ang pagpapahinto sa lindol ay isa lamang sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Pastor Quiboloy. Magugunita na kailan lang ay sinabi niya na nasa kanya daw ang vibrator ng sanlibutan .

“Alam mo Nori, lumindol kahapon. Sunod-sunod may mga aftershocks pa. Alam mo kung saan ang naperwisyo talaga? ‘Yung KAPA country. General Santos, Digos, Magsaysay, Matanaw…Kaya mag-ingat kayo. Huwag niyong galitin ang anak. Baka totohanin ko ang sinasabi niyong, ‘pindutin ang vibrator ng sanlibutan’. Guguho kayo riyan. Kaya mag-ingat kayo kasi alam ng Ama sa langit kung ano ang nangyayari dito sa lupa. Huwag niyong galitin ang anak ha. Makinig kayo,” banat ni Quiboloy

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén