Local News

Panoorin: Video ng Hazing sa PMA, Lumitaw!

Lumutang ngayon ang video footage kung saan makikita ang ginagawang pagpapahirap ng mga upperclassmen sa mga plebo sa Philippine Military Acedemy (PMA). Sa video, mapapanood na sinikmuraan, siniko at pinukpok ng helmet ang mga plebe. Habang nangyayari ang pagmamalupit ay nagtatawanan pa ang mga upperclassmen. Anim na kadete ang sangkot sa pananakit at inilagay na ang 5 sa isang holding area. Ang ika-6 na kadete ay matagal na daw sinipa sa PMA dahil sa ibang paglabag. Ang naturang footage ay kinumpirma mismo ng mga opisyal ng PMA at nadismaya umano sila nang makita ito.

“Nakakalungkot lang talaga ay nagawa pa nilang i-video ang kanilang misdemeanor, ‘yung kanilang pangma-maltreat sa– I would presume mga plebo ‘yun. Wala naman sigurong matutuwa kung ganun ang makikita mo.” sabi ni PMA Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Ayon kay PMA Public Information Office chief Captain Cherryl Tindog, posibleng alisin ang koneksyon ng mga nanakit na indibiduwal sa PMA.

“The worst thing na puwede pong mangyari sa mga cadet na involved is that they will be separated from the Philippine Military Academy. They will no longer be part of our family,” ani Tindog.

Base sa impormasyon na nakalap ng mga opisyal ng PMA, ang mag kadete na pinagmalupitan sa video ay nasa ika-3 taon na sa PMA.

Walang koneksyon ang naturang video sa kaso ng pumanaw ng kadete na si Cadet Darwin Dormitorio. Magugunita na naging laman ng balita si Dormitorio kamakailan lang dahil sa pagkamatay niya sa hazing. Ayon sa mga kaanak ni Dormitorio, ang video ay patunay na lubos na nakabaon sa kultura ng PMA ang hazing.

“May pagkakahawig. Sabihin na natin dun sa nakita natin sa video, ‘yung panununtok at paninipa na nangyayari kay Darwin,” pahayag naman ni Baguio City chief of police Allen Rae Co.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mariin nilan kinundina ang hazing at sinabi nila na walang saysay na maidudulot ito.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén