Sa press briefing sa Palasyo ng Malacañang, sinupalpal ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo tungkol sa iba’t-ibang isyu.
Sa naturang media conference, natanong si Presidential Spokesperson Salvador Panelo tungkol sa reaksyon niya sa pahayag ni Robredo na dapat maging mahinahon ang hakbang sa paglutas sa isyu sa “onereous” contracts ng mga water concessionaires. Dito sinabi ni Panelo na walang alam si Robredo sa usapin.
“Siguro ang advice natin kay VP Leni, huwag mo na pasukin ang hindi mo alam. It means, I don’t think she’s knows anything about it. The President have made a stand and the stand appears very effective. She should know that,” banat ni Presidential Spokesperson Panelo.
Napag-usapan din sa press briefing ang pagpapaliban ni Robredo sa paglalabas umano ng mga natuklasan nito tungkol sa drug war. Magugunita na nakatakda sanang ilabas ni Robredo ang mga nalalaman niya sa drug war nitong Lunes pero ipinagpaliban dahil daw sa nangyaring lindol sa Mindanao. Pero hindi ito kinagat ni Secretary Panelo at sinabing wala naman daw kasing ilalabas talaga si Robredo.
“What’s taking her so long? Mr. President said, ‘Bring it on! Whatever you want to come out with,’, Mahirap kasi kung wala ka naman talagang ilalabas at nag-iisip ka pa kung anong ilalabas mo, talgang matagal… Hindi nga natin alam kung ano ba ang sinsasabi niyang natuklasan niya, parang umatras nga siya doon… Kung mayroon siyang ilalabas na masama o iregularidad, dapat from the very time of the discovery ay inilabas niya na ‘yun, apparently wala naman. Sabi niya may natuklasan siya, bakit hindi niya inilabas? Kaya nga hinamon siya ni Presidente di ba? ‘bring it on’,” buwelta pa ni Presidential Spokesperson Panelo.
Source: PCOO via Ang Malayang Balita
Leave a Reply