Local News

Panoorin: “Wala akong Pakialam sa inyo! Pina-Stop ko Lindol sa Aking Lugar!” – Pastor Quiboloy!

Nitong mga nagdaang mga linggo ay naging usap-usapan ang mga kontrobersiyal na katagang binibitiwan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ang tinutukoy namin ay ang komento ni Pastor Quiboloy na pinahinto niya ang lindol sa Mindanao.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop… “Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, maraming kayong magigiba at mamamatay kayo,” sabi ni Pastor Quiboloy.

Ang pahayag na ito ni Pastor Quiboloy ay umani ng reaksyon mula sa mga netizens pato ang mga sikat na personalidad na tulad ni Vice anda at Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagkomento sa sinabi ng mangangaral.

Kamakailan lang ay tinamaan ng malakas na 6.9 earthquake ang bahagi ng Mindanao. Naglabas muli si Pastor Quiboloy ng pahayag ukol sa lindol.

Narito po ang translation ng mga sinabi ni Pastor Quiboloy mula sa wikang Bisaya patungong wikang Tagalog. Ang translation ay ginawa ng Facebook page na D’ Filipino Channel.

“Kailan ba ako nagsabi na Papatigilin ko ang lindol? sa Lahat? Yung lindol noong october 16, pinatigil ko doon sa aking lugar.. Pero, sa lahat ng lindol.. hindi ko sinabing, lindol, STOP kayong lahat. Pina-stop ko dun sa aking lugar, Dahil, gumagalaw na ang building..may mga bata…aking sinabihan…(STOP) o tumigil. o kahapon naman (reffering to 6.9 quake) Dun sa Tamayong ko.. kasama ko ang mga bata..Pina-stop ko..Hindi ko naman alam na naglindol ba sa ibang lugar.. Eh di nag stop.. Hindi kayo kasali sa pagpapatigil ko (ng lindol) “Pakialam ko sa inyo?” banat ni Pastor Quiboloy

Source: Pastor Quiboloy | D’ Filipino Channel
| Djranzshow

Leave a Reply

Theme by Anders Norén