Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Liberal Party Official, Hindi Bilib sa Kakayahan ni Leni na Mamuno sa Anti-Drug Agency!

“I don’t think that the vice president would be an effective head of a drug enforcement agency. I don’t think she has the experience and knowledge,”

Ganito ang naging pahayag ni Liberal Party Congressman Edgar Erice kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo para manguna sa war on drugs ng pamahalaan.

Naniniwala din si Erice na aabutin ng maraming taon para magamy ni Vice President Robredo ang pagpapatupad ng batas lalo na sa pagsugpo sa droga.

“I don’t think the expertise of Vice President Leni is to manage a drug enforcement agency,” ani Erice.

Isang malaking problema din daw ang haharapin ni Robredo kung sakaling tatanggapin ang posisyon na inaalok.

“Kung tatanggapin niya iyan ay para siyang lalangoy sa dagat na punong-puno ng pating,”dagdag pa ng kongresista.

Magugunita na inalok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robredo na maging drug czar matapos magbigay ng negatibong pahayag ang bise presidente tungkol sa anti-drug campaign ng gobyerno sa isang foreign media. Noong una ay hinamon ng Pangulo si Robredo na solusyunan ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan pero kalaunan ay pinalawig niya ang deadline na hanggang 2022 o katapusan ng kanilang termino.

“The Palace wishes to announce that the President has officially signed the paper which designates Vice President Leni Robredo as the Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). A copy of the said designation paper will be released to the media in due time.

…With this development, the Palace supposes that detractors and critics will finally see the sincerity of the President in making such offer to the Vice President and understand that the Chief Executive’s ultimate motivation in making the same is the welfare of the Filipino people, with the hope that the government be successful in combatting the atrocity caused by the use and trade of illegal narcotics, regardless of who greatly contributed to such success.” sabi ng tagapagsalita ng Pangulong Duterte na si Spokesperson Salvador Panelo.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén