Local News

Panoorin: Warfreak Doctor, Lumantad na sa LTO! Lisensiya, Posibleng Bawiin!

Matapos maglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) ay lumitaw na kaninang hapon sa hearing si Dr. Tomas Mendez, ang lalaki sa viral video na nagmura at nanlait ng kapwa niya motorista.

Nahahrap si Mendez sa mga kasong administratibo at maaari pang suspindihin ang lisensiya nito.

Hindi na nagbigay ng komento at pahayag si Mendez at ang abogado nito sa media.

Magtungo rin sa opisina ng LTO si Paredes, ang motoristang nakaalitan ng Mendez. Pero hindi nagpang-abot ang dalawang kampo.

“Naitanong ko nga sana sa kanya kanina kung bakit niya nasabi sa akin na hindi pa ako naliligo, maduming madumi ako. Nilalait niya ako […] Ang nais ko lang naman sana dito yung mabigyan ng, ano yan, tamang parusa kung ano ang dapat sa kanya,” sabi ni Paredes.

Ayon kay Paredes, may ibinato pa raw sa kanila ang doktor noong nakagitgitan nila ito. Matapos daw ang kumprontasyon ng dalawa ay nagtungo si Paredes sa Makati City Police upang magsampa ng kasong kriminal laban kay Mendez. Maghahain din si Paredez ng hiwalay na reklamo sa Professional Regulation Commission dahil sa pagiging doktor ni Mendez.

Sa isang panayam kay Department of Transportation Assistant Secratary Goddess Libiran, hindi na daw nararapat na bigyan ng lisensiya si Mendez dahil posible daw itong makapahamak ng iba pang motorista.

“Kung ako, judging from what I saw from the video, kung ako ang tatanungin ‘diyan, hindi na dapat bigyan ng lisensiya ng ganyang klase ng mga tao. Pag kayo ang nagmamaneho dapat marunong kayo mag-control ng temper. Isipin niyo na lang kung paano may hawak na armas iyan, konti gitgitan sa kalsada baka makapatay iyan,” sabi ni DOTr Asec. Libiran.

Inabisuhan naman ng DOTr ang iba pang ahensiya ng gobyerno na gumawa ng nararapat na aksyon laban sa doktor.

“Kami po ay nananawagan rin sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Professional Regulation Commission at pati na rin sa Philippine Medical Association na kung maari po ay aksyunan ang insidenteng ito bago pa lumala ang sitwasyon o problema… Sa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o mananakit ng ating kapwa, pahayag ng DOTr.

Source: GMA News | Philstar | Radyo Pilipinas 738

Leave a Reply

Theme by Anders Norén