Local News

Panoorin: Winnie Monsod, “Nabilaukan” sa Ideya na Bigyan ng Emergency Powers si PDU30!

Sa isang segment ng programang Unang Hirit ng GMA 7, nakapanayam ng mga host na sina Ivan Mayrina at Winnie Monsod si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago upang talakayin ang estado ng trapiko sa Maynila.

Sa gitna ng talakayan, mapapanood kung paano salungatin ni Monsod si Pialago habang nagpapaliwanag ito. Kapansin-pansin din na habang nagsasalita si Pialago ay sumisingit si Monsod.

Sa isang punto sa panayam, tinanong ni Monsod ang tagapagsalita ng MMDA kung ano ang rekomendasyon nito para maaprubahan ang mga polisiya ng MMDA. Sinagot ito ni Pialago na dapat ay mabigyan ng “Emergency Powers” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para magawan ng paraan ang matinding trapiko. Sa pagkakataon na iyon ay umarte na si Monsod na tila nabibilaukan. Halata din ang panunuya o pagiging “sarcastic” ni Monsod sa naging sagot ni Pialago. Maririnig si Monsod (off-cam) na tatawa-tawa.

Magugunita na binanatan ni Pangulong Duterte si Monsod sa isang talumpati nitong unang bahagi ng taon. Ayon sa Pangulo, hindi daw siya magbabayad ng pera para makita ang pagmumukha ng TV host.

“That’s the story there. Monsod. Monsod looks like… There are many bars there along Dewey Boulevard. But I will not pay to see that face even for 550 pesos,” banat ng Presidente.

Puna pa ng Presidente sa TV host, pino-protektahan daw ni Monsod ang mga mayayaman habang puna ng puna sa mga politiko.

“She just keeps on criticizing. You protect the rich and hide their secrets, but attack us politicians who genuinely want reform. That’s the truth. You are just being paid.” resbak pa ng Pangulo.

Si Monsod ay kasalukuyang host ng programang “Bawal ang Pasaway” sa GMA News TV at nagsusulat din ito ng column para sa pahayagang Inquirer. Ilang beses na rin sinaltik ni Monsod ang pamahalaan sa kanyang mga sinusulat.

Source: GMA News | RTVM | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: