Local News

Panoorin: “Kulang ang Dagdag Sahod na Bigay ni DU30” Payslip, Pinunit ng mga Guro!

Kulang para sa mga guro sa Quezon City ang dagdag umento na binigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa knaila.

Kaya sa isang pagtitipon ay sabay-sbay na pinunit ng mga guro ang kanilang payslip para iapkita ang kanilang pagkadismaya. Habang pinupunit ang mga payslip ay maririnig ang grupo na may isinisigaw ang mga ito na tulad ng mga sinasabi ng mga makakaliwa.

“Ang guro ng bayan, ngayon ay lumalaban… Salary Standardization Law (SSL), hindi sapat,” sabi ng mga guro.

Magugunita na nitong umpisa ng taon ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Salary Standardization Law (SSL) na layon mabigyan ng mas mataas na sahod ang mga nagtatrabaho sa gobyerno. Kasama sa pagtaas ay ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Kung dati ay sumusuweldo lang ng P20,754 ang salary grade 11 teacher, ngayon ay tatanggap na ito ng P22,3016. Samakatuwid, tumaas ng P1,562 ang sahod..

“President Duterte disappointingly has nothing to show for all his big talk patronizing teachers and honoring his mother,” sabi ni Alliance of Concerned Teachers Secretary-General Raymond Basilio.

“This is far (less than) we expected… He promised a P10,000 hike over and above the SSL when he ran for office in 2015, and we waited for three years,” dagdag naman ni Teachers’ Dignity Coalition Chair Benjo Basa.

Source: ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén