Local News

Panoorin: “Medyo Magulo ata” Noynoy, Nagsalita na at Pinagtanggol si Leni kay Duterte!

“Balik tayo sa criteria kung bakit ka ba nag-a-appoint. Bakit itinatalaga mo ang isang tao sa isang tungkulin. ‘Yung unang-una, kaya noong tao, pinagkakatiwalaan na gagawin ‘yung trabaho, at naniniwala ka na gagawin niya ng tama ‘yung trabaho. Kung wala lahat iyon, hindi mmo itatalaga. So pwede ba iyon na itatalaga mo pero hindi mo pinagkakatiwalaan. Medyo magulo ata.”

Ganito ang naging reaksyon ni dating Presidente Noynoy Aquino sa komento ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang tiwala kay Vice President Leni Robredo.

Kagabi ay nagpahayag si Pangulong Duterte ng kawalan ng tiwala kay Robredo.

“Ang problema kasi dito ganito. I cannot trust her not bec — not only because — not only ha — so ‘pag nag — not only because she is with the opposition. I do not trust her because I do not know her.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya noon, kung sinong mga politiko, kung sinong mga tao, probably… You know one of the biggest ah — one — the biggest actually of a drug manufacturing apparatus was in Bicol, sa Naga. But not ano I’m sure but in Bicol.

So hindi ko alam politiko siya hindi ko alam kung sinong kausap niya. Maybe sabihin mo that her being president qualifies her to be — of course not. I disagree with that statement that just because she is a vice president, she has already a clearance by virtue of the fact that she is the vice president. No sir, I disagree with you. That cannot happen.

“As a matter of fact, the military has to know and the police has to know where of you — you started and where you came from. Hindi na lang basta na — naging o na-vice president ka,” banat ni Pangulong Duterte

Magugunita na hinamon ni Pangulong Duterte si Robredo na maging bahagi sa anti-drug campaign ng gobyerno dahil sa palagiang pagbatikos ng bise presidente sa kampanya ng pamahalaan sa paglaban sa pinagbabawal na droga.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén