Local News

‘Panatang Makabayan, I-recite mo!’ Marcoleta, may banat kay ABS-CBN Chairman Emeritus Gabby Lopez!

Sa pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa legislative franchise ng ABS-CBN sa kongreso, muling ginisa ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta si ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez tungkol sa pagiging tapat nito sa Pilipinas.

Magugunita na nag-apply noon si Lopez ng US Passport kung saan ang isa sa kailangan ay ibigay ang katapatan sa Amerika.

Kaya ang banat ngayon ni Macoleta kay Lopez ay i-recite ang unang bahagi ng “Panatang Makabayan”.

“Would you believe sir that after ABS-CBN was granted a franchise of more than 50 years, this Congress has earned its right to know from you personally, are you participating in our political process, how did you pay your taxes, how do you value your oath as a Filipino, eto po ang kailangan Mr. Lopez…Ganito na lamang po para siguro matapos tayo sa issue ng allegiance, mawalang galang na po Mr. Lopez, pwede ba naming hilingin sa inyo na i-recite ninyo yung unang linya ng ‘Panatang Makabayan’” banat ni Marcoleta.

Mapapansin na hindi agad nakakibo si Lopez sa banat ni Cong. Marcoleta.

Habang hinihintay ni Marcoleta ang tugon ni Lopez ay sinabihan niya si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na kung maari ay tulungan nito si Lopez. Si Zarate ay isa sa mga nagsusulong ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Congressman Zarate baka gusto niyo ng tulungan,” buwelta ni Marcoleta.

Dahil sa sinabi ni Marcoleta muntik ng mag bangayan ang dalawang kongresista. Buti na lang at sinuspindi pansamantala ang sesyon upang pahupain ang tensyon.

Source: House of Representative | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: