Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panty na may Regla, Pinost ni Ate sa FB! May-ari ng Underwear, Nagalit!


Isang babae ang galit na galit na dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang umano’y ikinalat na larawan ng marumi niyang underwear sa social media.

Ang nagreklamo ay nakilalang si Joan Roa, 26 anyos at isang lady guard na taga- Caloocan City. Inireklamo niya si Emelita Caalim, 34 anyos, isang online seller sa Makati City, dahil umano sa pagpo-post nito ng litrato ng may mantsa niyang panty sa Facebook.

“Paninira, bilang isang babae, na hindi kaaya-aya. ‘Yung pambababoy niya sa akin, hindi makatarungan. Hindi respectful,” ayon sa complainant na si Roa.

Ayon pa kay Roa, ipinagkalat umano ni Caalim sa social media na burara siya at ganung klase siyang babae.

Hinimok ni Raffy Tulfo na pag-usapan na lamang ng dalawang panig ang nasabing isyu at pinayuhan ang inirereklamong si Caalim na burahin na ang nasabing malaswang larawang ipinost nito. Pumayag naman si Caalim na magtungo sa himpilan ni Tulfo upang personal na kausapin si Roa at i-delete ang nasabing post.

Nang magkaharap-harap ay napag-alamang pera pala ang naging puno’t dulo ng bangayan ng dalawa. Ayon sa kuwento ni Caalim, dati silang magkakasama sa bahay dahil kaibigan umano nila ng kanyang asawa na isa ring security guard si Roa. Sinubukan umanong manghiram ni Roa ng halagang 50 libong piso mula kay Caalim subalit wala umano siyang maipahiram dito, at iyon daw ang naging dahilan ng samaan nila ng loob.

Kuwento pa ni Caalim, hindi umano marunong magbayad nang kusa si Roa at maging ang anak daw ni Caalim na menor deedad ay nagawang utusan ni Roa upang mangutang, bagay na itinanggi naman ni Roa.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa harap ni Raffy Tulfo at nauwi pa sa hamunan ng demandahan sa korte. Matindi ang panininidigan ni Roa na ilalaban umano niya ang ginawang paninirang-puri at pagyurak sa kanyang dignidad ni Caalim subalit hindi naman nagpatinag si Caalim dahil ayon sa kanya, mayroon din umanong “messages” si Roa sa kanya na maaari niyang gamitin laban dito.

Nang tanungin ni Tulfo si Roa kung magkano ang inaasahang danyos nito sakaling ituloy sa hukuman ang kaso ay sumagot ito ng P50k, at inakyat pa sa P150k, bagay na ayon kay Tulfo ay napakalaking halaga. Mariin namang tumanggi si Caalim na humantong sa bayaran ang nasabing isyu kaya’t muling hinimok ni Tulfo na magkaayos na lamang at magpatawaran ang mga ito upang hindi na lumala pa ang gulo.

Sa huli, nagkapatawaran at nagkaayos din ang dalawa at nagyakap pa nang mahigpit.

Source:
Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén