Local News

Panukalang Batas Laban sa Komunista, Kinontra agad ni Elago!

Ngayon araw ay naghain ang Duterte Youth Partylist ng panukalang batas upang gawing iligal ang pagsuporta sa Communist Party of the Philippines – National Democratic Front – New People’s Army (CPP-NDF-NPA). Nakasaad sa house bill 8231 na gagawing labag sa batas ang pagsuporta sa mga rebeldeng komunista sa anumang paraan.

Magugunita na nagkaroon din ng parehas na uri ng batas noong 1957, ang anti-subversion law. Naipasa ang nasabing batas noong panahon ni dating Pangulo Carlos P. Garcia. Noong administrasyon naman ni dating Pangulo Fidel Ramos ay na repeal ito bilang peace offering sa mga komunistang rebelde at iba pang subersibong grupo.

Ang hakbang ng Duterte Yout para ibalik ang Anti-subversion law ay agad tinutulan ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago. Tinawag din ni Elago na “mouth piece” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Duterte Youth.

“Balikan at pag-aralan natin ang kasaysayan kung paanong ginamit ang anti-subversion law para takpan ang batayang karapatan ng bawat Pilipino na nauwi sa pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso, pagdukot, at pagpaslang sa mga pinaghihinalaang rebelde. Nakakagalit at nakakabahala na may gustong ibalik ang madilim na kasaysayan ng diktadurang Marcos,” boladas ni Elago.

Si Elago ay bahagi ng Makabayan Bloc sa kongreso. Ang Makabayan bloc ay binubuo ng mga makakaliwang kongresista. Kamakailan lang ay nasangkot sa red-tagging issue ang mga nasabing kongresista nang iugnay ng militar ang mga ito sa New People’s Army (NPA). Sa isinagawang senate ukol sa red-tagging, sinabi ni former Bayan Muna representative Teddy Casiño na hindi nila itinuturing na kalaban ang NPA.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” kuda ni Casiño.

Source: News5 | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: