Local News

PAO Forensic Lab ng DU30 Govt, Aalisan ng Pondo nila Drilon at Angara?

Sa kaniyang programang counterpoint, tinalakay ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang akusasyon ni Public Attorney’s Office Atty. Persida Acosta laban kina Senador Frank Drilon at Sonny Angara. Magugunita na nagpatawag si Acosta ng press conference kamakailan lang at ibinunyag na may isiningit ang dalawang senador na provision sa 2021 budget na magiging daan para mawalan ng pondo ang forensic lab ng PAO. Ang forensic lab ng ahensiya ang nagsisiyasat sa mga labi ng mga kabataan pinaniniwalaan nasawi dahil sa dengvaxia.

Ayon kay Panelo, sumulat na si Acosta kay Pangulong Rodrigo Duterte upang i-veto ang nasabing provision. Base umano sa liham ni Acosta, iniinsulto ng dalawang senador ang Presidente dahil mismong si Pangulong DUterte ang lumikha ng forensic lab ng PAO.

Naungkat din sa programa ni Panelo ang koneksyon nina Drilon at Angara sa ACCRA law office na nagre-representa sa Sanofi, ang kumpanyang may gawa ng Dengvaxia. Ayon kay Panelo, dating miyembro ng ACCRA ang dalawang senador.

Narito po ang personal na panawagan ni PAO Chief Atty. Acosta kay Pangulong Duterte na i-veto ang isiningit nila Drilon at Angara sa 2021 budget.

Source: Counterpoint via PH Now | Atty. Persida Acosta

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: